ANG BAGONG YEARBOOK

HELLO MGA KLASMEYTS, BAGO MAKICHIKA EH SIGN MUNA DITO!!!JUST SCROLL DOWN FOR THE CHATBOX for some chikahan & MUSIC PLAYLIST for senti songs nung hischool

Sunday, August 30, 2009

Kaarawan ni Plaridel

Aking napagmuni muni na muling buhayin ang blog na ito. At habang ako ay nagiisip kung ano ang aking isusulat, ay aking naalala na ngayon ay kaarawan ng ating dakilang bayani, si MARCELO H. DEL PILAR. Tamang tama sa tema ng blog ngayon. Isinilang si Plaridel noong ika 30 ng Agosto taong 1850. Sa mga kabatch na nais muling maalala ang buhay at kagitingan ni Plaridel, dito sa Wikipedia ay maaring mabasa.

Isang napakahalagang okasyon para sa ating mga del Pilarians o taga-Marcelo ang kaarawan niya, hindi ba? Unang una, walang pasok. At pangalawa, masaya sa eskwelahan pag ganitong panahon dahil Marcelo day!!! Naalala nyo pa ba ang mga booth? Mga sayawan at pacontest? Hmm, nakakatuwang sariwain ang mga araw na iyon. Ilang taon na ba ang nakalipas? Mahigit sampung taon na. Ahh, hindi lang. Dalawampu't isang taon na pala ngayon ang nakalilipas ng nagsimula tayo sa unang taon sa Marcelo! Ang tagal na, pero parang kelan lang. At tatlong taon na lang, maari na nating iselebra ang ika-dalawampung taon nating pagtatapos sa batis ng ating karunungan. Magkakaroon kaya tayo ng grand reunion? Sana!

Nakakatuwa, sapagkat masarap sariwain ang mga panahong iyon --ang mga kaibigan, mga gurong nagtyagang humubog sa atin, mga kaklase at mga ka-del Pilarians at ang magulo at maingay na bakuran ng Marcelo, na sa likod ng mataas na pader ay sinimulan nating hubugin ang ating mga pangarap, at higit sa lahat ang ating buhay.

Marami ng mga nagbago sa ating lahat. May mga nawala na rin subalit hindi nalimutan. At sa dalawampung taon na lumipas simula ng tayo ay unang tumuntong sa bakuran ng Marcelo, ang dami na ding nagbago lalo na sa teknolohiya. Eto nga at may blog pa, facebook at friendster.

Sa aking pagtatapos sa maikling sulat na ito, aking muling inaanyayahan ang lahat ng mga nagtapos sa Marcelo, higit lalo na ang ating batch - MHPHS 1992 - na balikan ang mga masayang panahon at pinagsamahan sa Marcelo!

Mabuhay si Marcelo H. Del Pilar at maligayang kaarawan, mabuhay ang mga del Pilarians at mabuhay ang batch '92!!!

~~Maline

2 comments:

nelson said...

sana nagsuot ka na rin ng baro't saya para kumpleto na ang linngo ng wika hehehe... salamat sa muli mong pagbuhay ng site malinesky! maligayang kaarawan kay marcelo atse del pilar!

maline said...

mismo!!!wish ko lang magvisit ang ating klasmeyts. ei, yung post mo ha!