ANG BAGONG YEARBOOK

HELLO MGA KLASMEYTS, BAGO MAKICHIKA EH SIGN MUNA DITO!!!JUST SCROLL DOWN FOR THE CHATBOX for some chikahan & MUSIC PLAYLIST for senti songs nung hischool
Showing posts with label FRIENDS COMICS. Show all posts
Showing posts with label FRIENDS COMICS. Show all posts

Tuesday, December 11, 2007

FRIENDS COMICS: Greet Ur Friends (Dec 1991)


Tuesday, December 4, 2007

FRIENDS COMICS: What Can U Say About Onel? Dec 1991 issue






Dahil po kaarawan ng ating celebrity classmate (hindi po "housemate" ng PBB, hehe) na si ONEL, ifeature naman po natin ang pahinang nagbigay tribute (o umalipusta) sa kanya 16 years ago. Kung mapapansin nyo, sulat-kamay ko yung first few comments para sa kanya... hindi po ako ang nag comment ng mga yun, kundi comments yun ng mga giliw nating classmates... so para naman mapatunayan ko yun, hinalungkat ko sa aking mahiwagang baul ang papel na pinaikot sa buong room para sulatan ng comments for onel... ngayon malalaman natin kung sino talaga yung mga nagsulat ng anonymous comments.... kaya bukuhan time na ito... hehehe...
Peace, Onel!! Kung gusto mo ipa delete ang post na ito, just leave a message!!! hehe...
Hapi bday Onel! Cheers! Tagay naman jan....

Tuesday, November 27, 2007

FRIENDS COMICS: The Freedom in the Tree by Arthur Carpio


Gandang araw po sa lahat! Since birthday po today ng mahal nating si arthur "averedici" carpio (tama ba sir yung code name? kaw nga ba yun...), bigyang pugay po natin siya sa pamamagitan ng pag feature ng kanyang talent sa pagsusulat ng tula... This page appeared in the October 22, 1990 issue. .. Sana lang magparamdam naman siya... Hehe...
Cheers!

Thursday, November 22, 2007

FRIENDS COMICS: All I Want (By Jolet) - (November 4 1991)


Eto na ang pambawi natin kay Pareng Lojet. Pagkatapos marderin, palakpakan naman natin ang talent niya sa pagsulat ng tula. Galing ah!

Tuesday, November 13, 2007

FRIENDS COMICS: Emmaline's Scratch



Hello po ulet sa lahat! Eto naman po ang page ng mahal nating si Maline, entitled EMMALINE's SCRATCH. This page po was scanned from the January 28, 1990 issue. Mga kinse anyos po tayo ng panahong yan... hehe...

Si Maline po ay isa sa mga hinahangaan ko pagdating sa pagdrowing kasi napakahusay talaga niyan.

Cheers!

Saturday, November 10, 2007

FRIENDS COMICS: Greet Your Friends + Ria's Column (nov 4 1991 isue)






Ito po yung GREET YOUR FRIENDS column kung saan pwede pong sumulat lahat para batiin lahat ng may birthday, anniversary, nanalo sa mga contest, mag sorry sa mga may atraso, magpahiwatig sa mga crush, mang alipusta ng kapwa, maningil ng utang, etc etc. Ito pong page na ito ay from the November 4 1991 issue. 4 pages po inabot yung column kasi sobrang dami ng sumulat. Yung iba nga, pinatungan na yung ibang entries. So bahala na kayo umintindi.Hehe. Iclick lamang po yung images para mas mabasa mo yung mga nakasulat.


Since november issue po yan, mapapansin nyo na nakasulat dito yung may may bday ng november dahil dito sula binabati. Dito ko po kinukuha yung ginagamit ko sa bday greetings sa egroup. Kaya kung minsan may maling petsa, sisihin po ninyo ang bumati sa inyo sa maling petsa 16 years ago.


Pinakahuling page po dito yung song lyrics ng LOVE ME na ni contribute ng mahal nating si ria. Hindi ko lang sure kung kanino dedicated yung kanta. Pero may isang magaling na sinulatan ang column ni ria, at dinagdagan yung title, kaya naging... Julio, Love me Pls. at yung blanks sa baba, sinulatan naman ng pangalan ni julio...hehe...Hindi po ako ang nagsulat non!! Asan na nga ba julio??? Mukhang wala tayong balita sa kanya?! Tol, paramdam ka naman...

Dun sa kilala si eric javier sa kanyang code name, mababasa po nyo yung entry nya kung hahanapin lang mabuti. Meron nga palang tula saka short story si eric na nacontribute sa friends comics.Ipopost ko soon.
Enjoy guys! Have a great weekend!!

FRIENDS COMICS: Farewell Issue Cover


ito po ang farewell issue cover ng friends comics last march 1992 - bago tayo grumaduweyt. I click nyo po yung image to make it bigger.


FRIENDS COMICS: Paglingon sa Nakaraan (by Nelson)

Hello po sa lahat! Remember Friends Comics? Yun ang opisyal na komiks ng IV-A at IV-B noon. Typewriting na tiniklop sa gitna at inisteypler para maging isang babasahin. Sisimulan ko sa pagdrawing ng pabalat. Ipagpapasa-pasahan nating magkakaklase upang lahat ay makapag contribute. Halos lahat ay gustong makasulat sa mga pahina. Sino ba naman ang mag aakala na sa pagdating ng panahon, ang mga komiks na yun ang mga magiging buhay na alaala ng isang masaya at makulit na kahapon?

Isang araw, sa pagliligpit ko ng aking mga gamit, nabuksan ko ang mga pahina ng mga Friends Comics na ilang taon ko na ring hindi napapansin. Hindi ko akalain na ang muli kong pagbabasa ay magiging isang paglalakbay sa nakaraan. Para akong sumakay sa isang time machine.

Sino ba naman makakalimot sa mga matalinhagang tula ni arthur at jolet, sa mga makabagdamdaming song lyrics ni ria, sa mga educational trivias ni ester, sa mga korning comic strips namin ni didith, sa mga naggagandahang babae na ginuhit ni maline. Syempre hindi natin makakalimutan ang mga pagpapayo ni ate analyn sa kanyang advice column.

Ilan sa mga hit na hit na column ay ang Thought for the Day column na naglaman ng mga contributed quotations, ang What Can You Say About... column na naglaman naman ng ating mga personal description ng mga kaklase natin.

Pinaka da best ang Greet Your Friends column dahil dito nababasa ang lahat ng batian, kuwentuhan, pati pambibisto sa mga crushes... na mas lumala pa ng magkaroon ng katapat na column - ang Greet Your Enemies - kung saan naman nagbangayan at nag awayan ang mga may topak, Hehe.

I will be posting some scanned pages of our beloved comics. Sana mag enjoy kayo, gaya ng tawanan namin ni didith kapag binabasa namin ulet ang mga kulitan sa bawat pahina.

Humihingi na rin ako ng permit to repost sa mga authors ng ilang literary works. Baka magulat kasi kayo na biglang lilitaw dito sa site na ito ang mga tula nyo... indi ko po ninakaw... kusa nyo pong ni contribute ang mga yan noong unang panahon... hehe...

At humihingi na rin ako ng paumanhin sa mga medyo balat sibuyas jan... kasi may mga posting na medyo inalipusta natin ang mga kaklase natin - nandyang pinintas-pintasan natin, nandyang minura mura natin. Bata pa po tayo noon. Wala pa tayong kamalayan na pwede tayong balikan ng multo ng nakaraan. Hehe. Pero kung sa palagay po nyo ay hindi na dapat irepost yung mga napost ko dahil may mga nahu hurt ang feelings, paki email lang ako at ide delete ko kaagad. Pero I'm sure magiging sport lang ang lahat. I'm sure matatawa ka na lang at sasabihin mong "ako ba nagsulat non?". Aminin!!! Kilala namin penmanship mo!

Feel free to write your reactions! Para naman malaman ko na may kasama ako sa ginagawa kong reminiscing... Hehe... Join me in my time travel! Have fun everyone!